Miyerkules, Hulyo 13, 2011

The turning point

Insisting yourself to love a thing that you hate most is like pushing your own body at the edge of the cliff. You know that with just one blow of the wind, you will fall, with just one wrong step, you will die. But just in case  time will come that I saw myself standing at the edge of the cliff, siguro tatalon na lang ako. Kasi alam ko sa sarili ko na kaya ko namang lumipad.
Lately I’ve been dealing with difficulties in my surroundings and in myself. It was so hard for me to face every day when I know that worst things can happen anytime without prior notice. I doubt everything, my skills, my capability to make a good decision and even myself. This is the darkest stage of my life, as a student, as a News Editor, as a son of my parents and as I am.
*********
Paano ‘pag bumagsak ka? Anong gagawin mo?
Okay, it’s already given; I am not mathematically-gifted. Logic and math got the lowest place in my last internet-based psychological exam that measures the wisdom of a person in all aspects. The irony here is I am a third year Engineering student and two years from now, I will going to graduate with degree. And all the people asked me, “Paano ka nakarating ng third year kung hindi ka matalino sa math? After the question, I paused for a while then I laugh. “Bakit? Dapat ba matalino ka sa math bago ka makarating ng third year? Hindi naman kaya gano’n ‘yon!”
My two years engineering escapade is enough for me to handle my remaining years before finishing this course. I can’t count how many times I did fail before passing every level of this adventure. Life is really the biggest game of all time. Either you won or you failed, don’t get tired to push the retry button because God created failure for us not to stop striving not until we won the jackpot price.
*********
Paano ‘pag nalaman na nila? Anong gagawin mo?
The mechanical thinking of all human beings makes my world complicated. Adding the rapid increase in population worsen the scenario at its best.  Ang sikip sikip na ng mundo, may espasyo pa ba ‘ko? I don’t want to insist myself to a world who never know anything but to judge everyone even though they know nothing. But I have no choice, iisa lang ang mundo. Pero kung bibigyan ako ng pagkakataon na lumipat sa ibang may buhay na planeta (alam kong mayro’n) ay magpiprisinta na akong mauna, magbabakasakali ako na ang mga tao do’n ay hindi mapanghusga.
Being a judgmental  is an inborn disease, and all of us were infected and totally devastated by this common trait. If you think you are the most beautiful, intelligent and gifted god-creation on earth, then you are free to give destructive criticisms to anyone. But because all of us are not born perfect, then better keep your mouth shut.
****
Ano nang gagawin ko?
I do not know, seriously. This is the turning point of my life and I’m still not familiar how to live with it. I am just focusing my mind into one idea that strengthens me every time I’m about to fall down. Let me share this with you.
Hindi mo kailangang hanapin ang sarili mo sa ibang tao, dahil hindi mo ‘yon makikita kahit kanino, sa ‘yo lang, sa loob mo. Minsan hindi naman masamang makipag-bonding sa sarili, dapat nga ‘yon para may oras kayo na kilalanin ang isa’t-isa, quality time kumbaga. At kapag nangyari ‘yon, unti-unti mo nang makikilala kung sino ka, kung ano ang saysay ng buhay mo, at kung bakit ka sumulpot sa mundo.”
If you did not like the idea, its okay with me, anyway I just invented it. Right now I am busy adapting the new environment within me and hoping that someday I and the new me will be the best companion ever.

Huling hantungan


Mamamatay din naman tayong lahat…
Tao ka. May katawang lupa, tumitibok na puso, hiniram na talino at inutang na pag iisip. Naglalakad ka sa kalsadang hindi mo alam kung kailan bubuka at lalamunin ang hiniram mong pagkatao. Tumingin ka sa langit at may makikita ka, pero kapag wala kang makita, tumingin ka na lang sa baba, sigurado doon mayroon na.
Araw-araw itinatanong mo sa sarili mo kung anong mangyayari sa buhay mo pagtanda mo. Kung may mag-aalaga ba sa ‘yo, sino ang makakasama mo? May mabuti ka bang ginawa sa mundo? O kung mamatay ka mag-isa na walang nakakalam kahit na ang paborito mong kapit-bahay. Hindi mo naman masabi sapagkat hindi ka pa dumadating sa puntong iyon dahil sa simpleng kadahilanan na disi-otso anyos ka pa lang at wala ka pang ibang iniisip kung hindi ang sarili mo at ang pakikipagtalik sa mga bagong ideya sa lipunan na iyong ginagalawan. At saka ‘wag mo munang masyadong isipin ‘yon, mahaba pa ang paglalakbay mo, at isa pa, hindi ka naman nag-iisa, marami kayo, marami tayo.
Tao ka. Pero ‘wag ka masyadong maging makasarili dahil hindi lang ikaw ang binigyan ng karapatan na pumuti ang buhok, rumupok ang buto, kumunat ang balat at mamatay sa tumba-tumba mo. Hindi lang ikaw ang tumatanda dahil may karapatan din naman ang hayop, bagay at kahit na ang pangyayari na mag-demand ng atensyon mo dahil sila nga ay tumatanda ng wala halos nakakapansin. Lumilipas ang panahon, naluluma ang bagay, tumatanda ang hayop pero wala namang pumapansin sa kanila sapagkat ikaw, sila, tayong mga tao ay nagpapaka-busy sa pagiging tao natin. Pero hindi sa pagpapakatao.
Napaglipasang kaganapan. Naalala mo pa ba no’ng nangako ka sa nanay mo na mag-aaral ng mabuti sapagkat pumalpak ang grado mo sa unang semester? No’ng nagsulat ka kaya ng New Year’s Resolution mo na magbabago ka na at hindi mo na uubusin ang allowance mo sa pakikipag-dota at pakikipagpustahan na mananalo ang lakers kontra Celtics. Eh no’ng inutangan mo ang kaibigan mo para makabili ka ng bagongGlobe tattoo kahit na wala ka namang laptop? Tumatanda rin ang pangyayari. Nalalaos ang sikat, lumilipas ang uso at nakalilimutan na ng tao. Pero may narinig ka ba sa kanila? wala ‘di ba?
Nasagasaang pusa sa kanto. Nakakadiri ba? Eh ang nasagasaang tao sa kanto? ‘di ba naaawa ka?. Bakit sa pusa hindi ka naawa? Wala ba silang buhay ng tulad ng tao? O dahil hindi kayo friends sa facebook kaya wala kang pakialam sa kanya kasi hamak na pusa lang s’ya. Kasalanan ba n’yang maging pusa? Eh pano kaya ‘pag ikaw ang naging pusa? Naisip mo ba ‘yon? Lahat ng nilalang sa mundo ay binigyan ng patas na karapatan para umupa ng espasyo upang mabuhay at gumalaw kung nasaan ka ngayon. Pero wala na, namatay na s’ya. May narinig ka ba sa kanya? Hindi ka naman n’ya minulto sa panaginip ‘di ba?
Nalumang rubber shoes sa tinapon sa estero. Kasi may bago ka na? Kasi hindi na s’ya uso tulad ngconverse o snickers. Kasi hindi mo na s’ya magagamit at nahihiya ka sa mga kaklase mo. Kasi nagamit mo na s’ya dati. Nagamit mo na s’ya… pero paano kaya kung ikaw ang magamit ng gamit? Mabuhay sila bigla tapos abusuhin ka, alilain, pahirapan hanggang sa mamatay ka at itapon ka na lang din sa estero tulad ng ginawa mo sa kanila. Naisip mo ba ‘yon? Sabagay bakit mo nga naman ‘yon iisipin eh wala naman silang isip ‘di ba? Pero ikaw mayroon. Gamit ka ba?
Huwag kang magmaasim sa buhay mo dahil hindi lang ikaw ang bitter sa mundo. ‘Di hamak na man na mas may karapatan sila na mag-demand ng importansya dahil sila ay walang kapasidad na mag-isip tulad mo. Subukan mo kayang mag isip para sa kanila? o kung selfish ka ay isipin mo na  lang kung paano magkakaroon ng saysay ang buhay mo para wala kang pagsisihan kapag magugunaw na ang mundo. Porke’t ba na-postponed ang 2012 doomsday ay magiging palagay ka nanaman at magpapapetiks petiks sapagkat hindi pa nga naman nalalapit ang katapusan. Siguro dapat mo nang paglimian ang arkitektura ng buhay mo para ‘pag dumating na ang nakatakdang panahon ay naka-chin up kang sasabihin na “Mabuti akong TAO,” o kung hindi man ay atleast nagpakabuti ka sa abot na makakaya mo.

Pilay na Running man



Wala na ngayong mangungulit sa akin kapag deadline ko na
Wala nang magsasabi sa akin ng ‘Dan ang news mo okay na ba?’
Wala ng mabait na magco-comment sa mali-mali kong tenses
Wala na ngayong mambabalewala sa mga efforts ko na naging dahilan sa pagsisikap kong matuto pa
Wala nang magtitimpla sa akin ng Busog Lusog kapag lay-outing
Wala na kong makakatabi sa laughing carpet tapos mag-aaway sila ng boyfriend n’ya
Wala nang makikigamit ng tumbler ko para gawing baso
Kulang na ang mga kasabay kong kumain ng turon na may munggo sa may 2nd gate kapag hapon

Wala nang sasalubong ng yakap at halik (na walang malisya) sa pagpasok ko sa opisina
Wala nang manggugulo ng buhok ko at sasabihing “Na-miss kita ‘nak! Payakap nga!”
Wala nang magsasabing ang pogi-pogi ko kahit na labas sa ilong
Wala nang manglalait sa bangs ko kapag babang baba ito
Wala na kong makakalaro ng badminton sa may gitna ng COED
Wala na kong masasabihan ng ‘aylabyu’ kapag uuwi na ko
Wala na kong mayayakap ng mahigpit
Wala nang mangbe-baby sa ‘min
Wala na kaming ‘ate’ ngayon…

Kaya hindi na uubra ang maging isip bata
At hindi na pwede ang pagsasawalang bahala
Hindi na maari ngayon ang titingin-tingin lang
Kasi wala ng ibang choice kung ‘di makialam
Kami na ngayon ang tatanungin kapag may maselang desisyon
Ang mangunguna at haharap kapag may nagalit at magsasabing ‘you should all go to hell’
Ang mga bagong nilang ate at kuya
Masagwa man pero sige pwede na

Iisipin ko na lang na ka-height lang ni Madam Bea si Ate Irish
Na kasing lapad ng noo ni Archie ang kay Ate Jam
Na magkatulad ng timbang si Erin at Ate Apol
Na kasing weirdo ni Shin si Ate Greth
Na sumapi lang kay Eyn at Peter ang kaluluwa ni Ate Twi
Na magkasinglakas ng bunganga si Arna at si Ate Bevz
Tapos nasa bulsa ko lang si Ate Eve
Uutuin ko na lang ang sarili ko na kunwari andito pa sila
Kapag iisipin ko kasi ay parang ayaw ko na

Pero ‘wag naman sana kayong mangamba dahil sa una lang naman ‘to
Alam ko na mga ilang buwan lang masasanay din ako
Makikilala ko rin ang mga bagong kong pamilya
At naniniwala ako na makakayanan namin ito na mag-isa
Kasi hindi kami papayag na bumuwal si Running Man
At kung magkakasakit man ay siguradong iyon ay pilay lang
Ika-cast muna namin ‘yong mga legs n’ya pansamantala
Tapos kapag fully-recovered na ay tatakbo na ulit s’ya
At babawiin na ang titulo na higit pa sa tropeo
Buong lakas at tatag sa panibago n’yang pagtakbo

At sa pagwawakas ng isang napakagandang kabanata
Itatago ko ang mga litrato na kasama ko sila
Kalakip ang mga alaala kung kailan ako nagsimula
Kung paano nila ako napalaki
At kung nasa’n ako ngayon
Walang patumangging ako’y magpapasalamat
Dahil sa buong buhay ko
Ngayon lang ako nagkaroon
Ng napakaraming ATE
Sa katauhan n’yo J

Bitter


Ang sabi mo forever,
Sinungaling!
Paasa ka pala
Ang kapal ng mukha mo!
Kaka-break lang natin no’ng isang lingo
Ngayon may bago kana agad!
Itsura naman n’ya
Kakarmahin ka ring hayop ka!
Tapos lolokohin ka rin nila
Tapos masasaktan ka
Tapos...
Tapos…
Babalik ka ulit sa ‘kin...

Kerubin


Alam mo,
Kahit angel na ‘ko,
Marami pa rin akong pangarap
Marami ‘kong gustong gawin
Gusto ko sana makapag- school din,
Katulad ng mga bata sa lupa
Gusto ko silang makalaro!
Tapos pupunta ‘ko sa pleygrawn ba ‘yon?
Gusto ko katulad mo
May magulang
Kapatid
Gusto ko sanang ipanganak din
At maranasang mabuhay
Ipinagkait kasi sa ‘kin ‘yon
Hindi pa raw kasi sila handa…

Ambisyosa sa Nayon

Tumalima sa bayang sinilangan
Bitbit ang apelyidong iba sa karamihan
Karay-karay ng dayo na may hilaw na kulay
Sa mga anak ay nawalay
Pamilya ang inalay
Lumipad sakay ng isang malaking ibon
Tumakas sa kahirapan
Sa kanilang liblib na nayon…